Nadakip ng Dagupan City Police Office (DCPO) ang isang 45-anyos na lalaki na matagal nang pinaghahanap dahil sa mga kasong pagnanakaw at pagpatay, sa ikinasang joint police operation sa Brgy. Bolosan, Dagupan City.
Ayon sa pulisya, ang suspek ay isang dating OFW at residente ng Brgy. Mangin, ay may kasong walang piyansa na nakabinbin mula pa noong 2018. Nabatid din na nasangkot siya sa isang insidenteng umani ng malawak na media attention at minsan nang naibalita sa telebisyon.
Matapos ang pagkakaaresto, agad na isinailalim ang lalaki sa wastong dokumentasyon habang nagpapatuloy ang koordinasyon ng DCPO sa mga kaugnay na ahensya para sa susunod na legal na proseso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









