High ranking leader ng communist terrorist group at pitong iba pa, sumuko sa militar sa Sultan Kudarat

Kusang loob na sumuko sa mga sundalo ang high ranking leader at pitong miyembro ng communist terrorist group sa Sultan Kudarat.

Ayon kay 6th Infantry Division Spokesperson Lt. Col. John Paul Baldomar, dahil sa close coordination ng militar at pulis ay nahikayat ang mga rebelde na sumuko sa gobyerno.

Partikular na sumuko at tumungo ang mga ito sa Old Capitol Compound, Brgy. Kalawag II, Isulan, Sultan Kudarat kahapon.


Isinuko rin ng mga ito ang kanilang limang armas na kinabibilangan ng isang 7.62mm M14 rifle, dalawang caliber .30 Garand rifles, isang browning automatic rifle, isang caliber .45 pistol, at dalawang homemade 12-gauge shotgun.

Panawagan naman ni Major General Juvymax Uy, Commander of the Joint Task Force Central at ng 6th Infantry Division sa iba pang rebelde na sumuko na rin at magbagong buhay.

Facebook Comments