High-Risk Classification ng COVID-19, Muling Tumataas sa Region 2

Cauayan City, Isabela-Kinumpirma ng Department of Health na muling tumataas ang High-Risk Classification sa Cagayan Valley dahil hindi pa rin umano bumababa ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa mga nakalipas na araw.

Ayon sa DOH-Center for Health Development Region 2, kailangan pa rin na matutukan ang Tuguegarao City dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng lungsod gayundin ang bayan ng Baggao na dumarami na rin ang nagpopositibo sa virus.

Paglilinaw ng ahensya na hindi ang buong lalalawigan ng Cagayan ang may pagtaas ng kaso dahil ilan lamang sa mga lugar ang nakapagbibigay ng maraming kaso.


Bagama’t mababa ang kaso sa Isabela ngunit kailangan pa ring bantayan ang lungsod ng Ilagan at Cauayan.

Hindi rin inaalis ang posibilidad na dahil sa home quarantine ang sanhi ng maraming kaso sa lungsod ng Tuguegarao dahil ito ang nagsisilbing isolation units ng ilang pasyente dahil sa kakulangan ng pasilidad sa mga LGUs kung kaya’t hiniling naman ng ahensya na tumulong ang ibang government agencies sa pagpapatayo ng karagdagang isolations units at ang paghahanap ng health workers na tatao dito.

Matatandaan na sa nakalipas na linggo ay naideklarang moderate risk ang rehiyon.

Facebook Comments