HIGH RISK PREGNANCIES SA BAYAN NG SAN NICOLAS, TINUTUTUKAN

Isa sa tinututukan ang bayan ng San Nicolas sa kadahilanang ito ay isa sa mga high risk pregnancies sa probinsya ng Pangasinan.
Kaya naman ang LGU San Nicolas katuwang ang Region 1 Medical Center Department of Obstetrics and Gynecology ay nagsagawa nang isang libreng serbisyo gaya ng check-up at ultrasound para sa mga kababaihan sa nasabing bayan.
Nakapagtala ang nasabing ahensya ng tatlumpu’t lima o 35 na mga benepisyaryo na nakatanggap ng libreng serbisyong medikal sa bayan ng San Nicolas.

Ilan sa mga ito ay nagpositibo sa subchorionic hematoma, placenta previa o kilala bilang asthma, hyperthyroidism, preeclampsia, gravidiocardial, pseudocyesis, malpresentation na breech at ang transverse, ang iba naman ay nakitaan ng multigravida advanced maternal aged at ang iba naman ay nagpositibo sa teenage pregnancy.
Ayon sa alkalde ng bayan ng San Nicolas ay hindi biro ang pagbubuntis kaya naman lahat ng maaaring supporta ay maging sa medikal na aspeto ay kailangan maibigay sa mga kababaihang nangangailangan ng mga serbisyong ito. |ifmnews
Facebook Comments