CAUAYAN CITY – Pinasinayaan ng Coast Guard District North Eastern Luzon (CGDNELZN) ang High-Speed Response Boats (HSRB-017 at HSRB-018) sa Sta. Ana, Cagayan.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Commander Coast Guard Captain Ludovico D Librilla Jr. kasama si Secretary Katrina Ponce Enrile, Administrator at Chief Executive Officer ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).
Watch more balita here: LGU CAUAYAN, SUMAILALIM SA SGLG REGIONAL ASSESSMENT
Sa naging pahayag ni Captain Librilla, ang mga High-Speed Response Boats ay mayroong cutting-edge navigational equipment kung saan ay mas mapapadali ang pag-operate nito.
Dagdag pa nito, malaking tulong rin ang nasabing response boats sa panahon ng sakuna gaya ng bagyo o baha.
Facebook Comments