High-tech data systems ng bansa laban sa mga kalamidad, nakaalerto na —PBBM

Tuloy-tuloy ang paghahanda ng bansa laban sa mga sakuna at matinding epekto ng climate change.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasabay ng pangakong palakasin pa ang depensa ng bansa laban sa mga kalamidad.

Ayon kay Pangulong Marcos, tututukan ng gobyerno ang modernisasyon ng data systems, mas mabilis na social protection programs, at epektibong pagtugon sa panahon ng krisis.

Kasama rin aniya ang pagtatayo ng green at sustainable cities, pangangalaga sa kalikasan, at mas responsableng pamahalaan sa pamamagitan ng digital transformation at e-governance.

Nauna na ring binanggit ni Pangulong Marcos sa kanyang ikaapat na SONA ang pagpapatayo ng mga modernong evacuation center para hindi na gamitin ang mga paaralan.

Ipakakalat din ang high-tech warning systems tulad ng Doppler radars at seismic monitoring stations para sa mas mabilis na pagresponde sa kalamidad.

Facebook Comments