HIGH TECH | Istriktong implementasyon ng mga batas kalikasan, gagamitan na ng makabagong teknolohiya

Manila, Philippines – Gagamitin na rin ng DENR mga makabagong teknolohiya na ginamit sa karanasang nakuha sa rehabilitasyon ng Boracay Island ang istriktong implementasyon ng mga batas kalikasan at iba pang regulasyon.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, gagamitin ang tinatawag na state-of-the-art technology sa enforcement at monitoring ng mga iligal na aktibidad gaya ng pagto-troso, poaching at iresponsableng pagmimina.

Matatandaan na malaki ang naitulong ng ground penetrating radars sa mabilis na pag-detect ng mga iligal na koneksyon ng tubo sa Boracay na direktang nagpapakawala ng maruming tubig sa karagatan.


Ito rin ang kaparehong technique na ginagawa na ngayon sa rehabilitasyon ng Manila Bay na resulta ng inilabas na mandamus ng Supreme Court (SC) sa DENR at sa labing-isang iba pang ahensya ng gobyerno.

Sa katunayan ayon pa sa kalihim, kasama na rin sa monitoring areas na gagamitan ng new technology ang mga kagubatan na saklaw ng Lawin Forest and Biodiversity Protection System na isang flagship reforestation program ng pamahalaan upang matulungan ang mga forest rangers laban sa mga illegal loggers.

Maliban dito, kasama pa sa binabalangkas na bagong estratehiya ng DENR ang mas pinabuting monitoring sa mga wetlands, baybayin, protected at mining areas ng bansa sa tulong ng mga makabagong teknolohiya.

Facebook Comments