HIGH-TECH | Noah, gumamit daw ng cellphone para matawagan ang anak bago ang malawakang pagbaha

Turkey – Ginulat ng isang Turkish lecturer sa marine sciences facility sa Istanbul University ang mga manonood ng isang TV program dahil sa mga “wild claims” niya sa isang kwentong bibliya tungkol kay Noah.

Sabi ni Dr. Yavuz Ornek – 10,000 years ago, advanced na talaga ang teknolohiya kung saan hindi purong kahoy, kundi gumamit din ng bakal si Noah nang gawin niya ang kanyang arko.

Bukod dito, gumamit daw si Noah ng cellphone para ma-contact ang kanyang anak at makumbinsing sumakay sa kanyang barko kasama ang kanyang pamilya.


Pinagbasehan daw niya ng kanyang mga claims ang isang verse sa Quaran kung saan nakasaad na nasa 300 hanggang 400 metro ang taas ng mga alon at anak ni Noah ay malayo sa kanya ng napakaraming kilometro.

Aniya, posible lang daw na makontak ni Noah ang kanyang anak gamit ang cellphone.

Maraming viewers naman ng programa ang nadismaya sa mga sinabi ni Ornek at humakot pa ito ng mga negatibong komento nang mag-viral sa social media.

Sagot naman ni Ornek, isa siyang scientist at nagsasalita siya para sa siyensya.

Facebook Comments