HIGH TIDE UNTI-UNTI NG NARARANASAN SA LUNGSOD NG DAGUPAN; ILANG MGA RESIDENTE SA ISLAND BARANGAY,HILING AY MAAYOS NA PAGDADAUNGAN SA MGA BANGKANG SINASAKYAN

Nitong mga nakaraang araw ay nararanasan na ang pagtaas ng tubig o high tide sa ilang bahagi ng lungsod ng Dagupan gaya na lamang sa may junction area.
Isa rin sa apektado ng high tide na ito ay ang mga residente mula sa mga island Barangay partikular na sa Brgy. Calmay.
Hiling nila rito lalo na ang mga matatanda ay ang mas maayos ayos sanang pagdadaungan ng mga sinasakyan nilang bangka dahil naaabutan na umano ng tubig ang pinagdadaungan nito dahilan para malagyan ng lumot at dumulas ito.

Ilang beses na rin kasi nagkakaroon ng insidente kung saan nadudulas ang mga sumasakay sa mga motorboat dahil sa dulas ng pinagdadaungan; Ang madalas na biktima, mga matatanda.
Sira na rin ang ilang parte na sementado dahil sa pagbunggo ng mga bangka at kalumaan nito.
Alam naman daw ng mga residente ng sadyang di na maaalis ang tubig sa lungsod dahil parte talaga nito ito ngunit ang hiling sana nila ay para iwas hirap sa pagsakay lalo na at high tide ay magkaroon ng maayos-ayos na pagdadaungan.
Sa ngayon ay hindi pa tumataas ang tubig o di kaya ay high tide ngunit ayon sa mga residente dito, nararanasan nila ang high tide tuwing alas onse hanggang alas dose ng tanghali, mas matagal na raw ang hanggang alas dos ng hapon. |ifmnews
Facebook Comments