
Inihahanda na ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay City Police Station ang kaso laban sa dalawang indibidwal na nahulian ng kush na nagkakahalaga ng mahigit P350,000.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Par, 52 years old na babae at isang high-value individual (HVI), at alyas DJ, 28 years old na isang street-level individual.
Naaresto ang mga suspek sa Barangay 193, Zone 20 sa Pasay City.
Nakuha sa mga suspek ang medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na 51.1 grams ng shabu at isang mas maliit na sachet na naglalaman ng high-grade marijuana o kush na nagkakahalaga ng P351,700.
Narekober din sa suspek ang blue eco bag at buy-bust money na kinabibilangan ng P1,000 peso bill at 49 na piraso ng pekeng P1,000 bill.
Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.









