Tiklo sa Pangasinan ang itinuturing na High Value Drug Dealer matapos itong mahuli sa isinagawang operasyon ng Pangasinan Police Provincial Office, Regional Police Drug Enforcement Unit – PRO1, at Philippine Drug Enforcement Group Special Operations Unit 1.
Kinilala ang suspek na isang 39 anyos na lalaki, high value individual pagdating sa kalakalan ng iligal na droga.
Nasakote rin dito ang nasa 60 gramo ng hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng nasa 408,000 pesos.
Nahaharap din sa patong-patong na kaso ang suspek sa inihain na warrant of arrest, kung saan kasong paglabag sa Sections 11 at 12, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nasa kustodiya na ng Urdaneta City Police Station ang suspek para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









