
Matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang tinaguriang High Value Individual matapos na magsagawa ang Southern Police District Drug Enforcement Unit (SPD-DEU) ng buy-bust operation sa Barangay Western Bicutan sa Taguig City.
Kinilala ang suspek na si alias Fin, 37-year-old na residente ng Lower Bicutan, Taguig City, at dating nagtatrabaho sa isang ride-hailing company.
Naaktuhan si alyas Fin na nagbebenta ng suspected shabu na nagresulta sa kanyang mabilis na pagkakaaresto.
Narekober sa suspek ang 50 grams ng hinihinalang shabu at may Standard Drug Price of P340,000
Nakumpiska rin dito ang black Suzuki Smash motorcycle (plate number 723NXF), isang black analog Samsung cellphone, at marked buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Agad namang nai-turn ang suspel sa SPD-DDEU para sa dokumentasyon.
Nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002)









