Tuesday, January 20, 2026

HIGH-VALUE INDIVIDUAL, ARESTADO SA DAGUPAN CITY; ₱81K HALAGA NG SHABU NASAMSAM

Arestado ang isang 27-anyos na babae na itinuturing na high-value individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa Dagupan City madaling araw ng January 20, 2026.

Isinagawa ang operasyon sa koordinasyon ng PDEA RO1 at pinagsanib pwersa ng mga yunit na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na isang single at walang trabaho na residente ng lungsod.

Nasamsam sa operasyon ang humigit-kumulang 12 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na ₱81,600.00.

Narekober din ang iba pang mahahalagang ebidensya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Dagupan City Police Office ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments