Nasakote ang isang regional level high-value individual matapos ang ikinasang drug buybust operation sa Davao City.
Kinilala ni Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police Brig. General Roderick Augustus Alba ang suspek na si Wendell Subaan.
Nakumpiska mula kay Subaan ang ₱60,000 halaga ng shabu at isang Kalibre 38 revolver na walang serial number na may 5 live ammunition.
Naiturn over na ang suspek sa mga otoridad at kasalukuyang inihahanda ang patong patong na kaso laban dito.
Facebook Comments