HIGH VALUE INDIVIDUAL SUSPECT, TIMBOG SA BUY BUST OPERATION; 340K HALAGA NG SHABU, NASABAT!

Timbog ang isang 47 anyos na lalaki at itinuturing na High Value Individual Suspect sa isinagawang buy bust operation ng Provincial Police Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, Police Drug Enforcement Group Special Operations Unit 1, Regional Police Drug Enforcement Unit, Lingayen Municipal Police Station, at Philippine Drug Enforcement Agency sa Lingayen.
Nasabat sa suspek ang nasa 50 gramo ng shabu, nakasilid sa 12 heat-sealed transparent plastic sachets at tinatayang nagkakahalaga ng nasa 340,000 pesos.
Tiniyak naman na dumaan sa inventory ang mga nakalap na ebidensya ng pulisya at nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek.
Samantala, patuloy pa umano ang pagpapaigting ng hanay ng pulisya sa kanilang pagpuksa sa paglaganap ng iligal na droga upang mabigyan ng ligtas at seguridad ang komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments