High Value Target na Indian National, Natimbog sa Buy Bust!

Bayombong, Nueva Viscaya- Natimbog ang isang High Value Target (HVT) na Indian National matapos mahulog sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng kapulisan kahapon sa Brgy. Bonfal Proper, Bayombong, Nueva Viscaya.

Kinilala ang nadakip na si Rahman Singh, 26 anyos, binata, negosyante, tubong Punjab, India at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Lingay, Bayombong, Nueva Viscaya.

Si Singh ay nadakip ng pinagsanib pwersa ng Solano Police Station, PDEA-Nueva Viscaya Special Enforcement Team at Municipal Drug Enforcement Unit matapos bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer.


Narekober din mula sa pag-iingat ng suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu, limang daang piso na ginamit sa naturang transaksyon, isang jacket, isang disposable na lighter, isang unit ng cellphone at isang unit ng Yamahang motorsiklo.

Dinala na sa Solano Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 O Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments