P355K NA HALAGA NG SHABU, NAAGAW NG PDEA MULA SA ISANG HIGH VALUE TARGET SA LUNGSOD NG URDANETA

URDANETA CITY, PANGASINAN – Hindi na nakapalag pa ang isang lalaking itinuturing na high value target ng shabu nang mahuli ito ng mga kawani ng PDEA Pangasinan sa isinagawang buy-bust operation laban sa suspek kahapon, madaling araw ng Setyembre 15 sa lungsod ng Urdaneta, Pangasinan.

Nakilala ng mga kawani ng PDEA Pangasinan at Urdaneta Police ang pagkakakilanlan ng suspek na si Robin Macaraeg, trentay singko anyos, at residente ng Barangay Salvacion sa bayan ng Sto. Tomas, Pangasinan.

Nakuha mula kay Macaraeg ang nasa 52.35 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng PHP 355, 967.76, cell phone, wallet at mart money na ginamit sa transaksyon.


Sa tulong mula sa isang confidential informant ng PDEA, kung saan nagkunwari bilang isang buyer ang kasamahan nila at doon na natimbog ang suspek.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan Provincial Officer Rechie Camacho, sinabi nitong nakatakda sana umanong isagawa ang naturang operasyon noong Martes ng gabi ngunit naudlot ito.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kasong ang suspek ng Article 2 section 5 o pagbebenta ng iligal na droga at section 15 o paggamit ng iligal na droga dahil kumpirmado at positibo itong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nagpaalala naman si Camacho sa taumbayan na sa sakaling may mga kahina hinalang gawain ang isang tao gay anito ay ipag bigay alam kaagad sa awtoridad.

Facebook Comments