High Value Target sa Illegal na Droga, Arestado

36

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang itinuturing na High Value Target at kabilang sa Top priority sa Lambak ng Cagayan sa ilalim ng Coplan Gallebo matapos na mahuli sa ikinasang buybust operation sa Brgy. Maura, Aparri, Cagayan.

Natimbog sa isinagawang drug buybust operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP Aparri, PDEA RO2, PIU-PDEU at Regional Drug Enforcement Unit ang suspek na nakilalang si Kevin Valencia, 33 taong gulang, may-asawa at residente ng Brgy. Macanaya, Aparri, Cagayan.


Una rito, naaktuhan ng mga operatiba ang pagbebenta ng suspek ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer kapalit ang halagang isang libong piso (Php1,000).

Dahil dito, agad na dinakip ang suspek at nakumpiska sa pag-iingat nito ang isang (1) unit ng cellphone, buybust money at isang motorsiklo na ginamit sa transaksyon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerus Drugs Act ang suspek na nasa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments