HIGH VALUE TARGET SA VIGAN CITY, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION

Arestado ang isang babaeng high-value target (HVT) sa buy-bust operation na isinagawa sa Barangay VI, Pagpandayan, Vigan City.

Tinukoy ang suspek bilang si alyas “Rowena” na kabilang sa regional drug watchlist.

Narekober mula rito ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 2.5 gramo, at ilang drug paraphernalias.

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 9165 at kasalukuyang nakadetine sa Vigan City Police Station.

Patuloy naman ang pinaigting kampanya laban sa ilegal na droga sa rehiyon.

Facebook Comments