Tiklo sa Sual ang itinuturing na high value individual at tatlo pang drug suspects sa isinagawang anti-illegal drug operation ng hanay ng pulisya.
Kinilala ang high value individual na isang 33 anyos na lalaki at dating nasa hanay ng PNP.
Habang kinilala naman ang tatlo pang drug suspects bilang street level individual at nasa edad 29 hanggang 45 anyos.
Habang kinilala naman ang tatlo pang drug suspects bilang street level individual at nasa edad 29 hanggang 45 anyos.
Nakumpiska rin sa isinagawang operasyon ang nasa 10.30 gramo ng hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng nasa 70,040 pesos.
Samantala, nasa ilalim na ng kustodiya ng Sual MPS ang nga suspek at haharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









