Muling nakakuha ng unqualified opinion o magandang financial posisyon ang Office of the Vice President (OVP) mula sa Commision On Audit (COA).
Dahil dito, tatapusin ni Vice President Leni Robredo ang kanyang anim na taong panunungkulan na may maayos na track record at malinis na financial statements.
Ito na ang ika-apat na sunod na taon ng OVP mula 2018 na makakuha ng highest rating sa COA.
Matatandaang sa huling episode ng Biserbisyong Leni sa DZXL, sinabi ni Robredo na hinihintay niya ang COA rating para sa Fiscal Year 2021 at inaasahan na mailalabas ito bago matapos ang kanyang termino.
Ayon kay Robredo, sa pamamagitan nito maibabalik ang tiwala ng tao sa gobyerno at ng private partners.
Tanghali kanina nang nilisan ni Robredo ang kanyang opisina sa Quezon City upang bigyang daan ang pag-upo ni Vice President-elect Sara Duterte.
Samantala, itinalaga naman ni President-elect Ferdinand Marcos Jr., si Solicitor General Jose Calida bilang bagong COA Chairperson.