Highest Single-Day-Tally ng COVID-19, Naitala ng Apayao Province

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng 166 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Apayao ngayong araw, Agosto 20.

Nalagpasan na nito ang 126 na kasong naitala noong August 12, 2021.

Batay sa inilabas na datos ng Provincial IATF, nanguna sa may pinakamataas na bilang ang bayan ng Sta. Marcela kung saan may 52; Flora na may 42, Pudtol na mayroong 35, Calanasan na na nakapagtala ng 13, Kabugao na may 9, Luna na mayroong 8 at Conner na nakapagtala lamang ng 7.


Kasalukuyan ang ginagawang validation sa mga datos at posibleng magkaroon ng pagbabago pagkaraang isagawa ang imbestigasyon.

Hinimok naman na sumangguni ang mga taong posibleng mayroong sintomas ng virus upang isailalim sa swab testing o di naman kaya ay makipag-ugnayan sa Rural Health Unit sa kanilang mga bayan.

Sa ngayon ay nasa 687 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan.

Facebook Comments