Highway Patrol Groups ng PNP, hihingi ng tulong sa regional command kaugnay sa banta ng terorista

Bicol, Philippines – Hihilingin ng Highway Patrol Groups o HPG sa Camp Simeon A Ola ng dagdag na personnel sa iba’t ibang pangunahing lansangan na buong Bicol Region na nag-uugnay sa ibang mga rehiyon at lalawigan.

Ito ang naging mensahe ng High Patrol Group Regional Chief sa kanyuang sulat Chief Supt. Melvin Buenafe.

Layunin nito na mas paigtingin ang pagbabantay sa mga naturang lansangan para di makalusot ang mga teroristang grupo sa lalawigan.


Sa pamamagitan aniya ng random checkpoint para sa lahat ng mga sasakyan ay mati-trace nila agad ang anumang aktibidad na babalakin ng teroristang grupo.

Naniniwala ang HPG sa tulong na rin ng taumbayan ay maiiwasan ang anumang hakbang ng mga rebeldeng grupo sa bansa.

Facebook Comments