Umaabot sa ₱1.74 milyon na halaga ng iligal na droga ang nasabat ng pinagsamang pweraa ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).
Ito’y matapos i-claim o kunin ng suspek ang iligal na droga na idineliver sa kaniyang bahay sa Makati city.
Nabatid na unang nadiskubre ang iligal na droga sa warehouse ng DHL sa lungsod ng Pasay kung saan ikinasa ang operasyon para masakote ang kukuha o tatanggap nito.
Sa imbestigasyon, idineklara ang parcel na naglalaman ng iligal na droga bilang antique french phone na dumating sa Port of NAIA mula France noong January 30.
Pero nang isinailalim ito sa physical examination, dito na nadiskubre ang 255 gramo ng shabu.
Kaugnay nito, isinasailalim na sa imbestigasyon ang hindi na pinangalanang suspek para matukoy ang mga kasabwat nito habang ipinadala na sa PDEA ang mga iligal na droga base na rin sa inilabas ma kautisam ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz.