Higit ₱1 oil price rollback, kasado na bukas

131

May rollback ulit!

Nag-anunsyo na ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis.

Epektibo alas-6:00 ng umaga bukas, magpapatupad ang Seaoil, Pilipinas Shell at Petro Gazz ng ₱1.85 na tapyas sa kada litro ng diesel at ₱0.40 sa gasolina.


Magpapatupad din sila ng ₱1.30 na bawas-presyo sa kada litro ng kerosene maliban sa Petro Gazz na hindi nagkakarga nito.

Kaparehong oil price rollback din ang ipatutupad ng Cleanfuel epektibo alas-8:00 ng umaga bukas.

Ang panibagong bawas-presyo ay resulta ng ipinatupad na interest rate hike ng Amerika at nagpapatuloy na lockdown sa China dahil sa COVID-19.



 

Facebook Comments