Patuloy ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tatlong rehiyong apektado ng habagat at Bagyong Falcon.
Sa pinakahuling datos ng DSWD, aabot na sa higit ₱168.3 million ang halaga ng humanitarian assistance na naihatid sa higit 1,052 na apektadong barangay sa CALABARZON, Region 3, at 6.
Kabilang rito ang family food packs para sa higit 5,000 pamilya na nananatili sa evacuation centers at pati na cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Samantala, umakyat pa sa 691,195 pamilya o 2,487,497 na indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad.
Matatandaang iniutos ni DSWD Secretary Gatchalian ang agarang pamamahagi ng food packs para sa mga binaha sa mga lalawigang naapektuhan ng habagat.