Higit ₱2 oil price rollback, kasado na bukas!

103

Good news sa mga motorista!

Kasado na bukas ang malaki-laking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng Pilipinas Shell, ₱2.20 ang magiging bawas-presyo sa kada litro ng diesel; ₱2.10 sa gasolina habang ₱2.55 sa kerosene.


Kaparehong tapyas-presyo ang ipatutupad Petro Gazz at Cleanfuel maliban sa kerosene na hindi nila ikinakarga.

Ang panibagong oil price adjustment ay bunsod ng ipinatupad na policy rate hike ng US Federal Reserve noong nakaraang buwan.

Facebook Comments