Higit ₱200-M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, nasungkit na!

May nanalo na sa jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Solong maiuuwi ng isang mananaya ang ₱239,204,944 matapos matumpak ang winning combination na 17-07-38-05-10 sa ginanap na draw kahapon, January 21.

Samantala, wala pang makakakuha ng Mega Lotto 6/45 jackpot na umaabot na sa ₱59,455,369 dahil walang naka-“bull’s eye” ng winning combination na 13-30-32-16-09-20.


Facebook Comments