Higit ₱67 billion na supplemental budget, kailangan para sa COVID-19 response ayon sa DOH

Mangangailangan ang Department of Health (DOH) ng ₱67.62 billion para mapondohan ang pagtugon nito sa coronavirus pandemic.

Sa virtual meeting ng House Committee on Metro Manila Development, sinabi ni Health Undersecretary Gerardo Bayugo, nasa ₱45.72 billion lamang ang naaprubahang budget ng Department of Budget and Management (DBM).

Dagdag pa ni Bayugo, nasa ₱2.28 billion ang ni-realign mula sa DOH budget na magagamit para pagtugon sa COVID-19, partikular sa Health Facilities Enhancement Program, pagbili ng test kits at Personal Protective Equipment (PPE), at pagpondo sa iba pang hakbang para sa prevention and control ng nakakahawang sakit.


Gagamitin din ang pondo para sa pag-hire ng dagdag na manpower, at magsisilbing contingency fund.

Facebook Comments