Higit ₱80-K halaga ng shabu na isiniksik sa balikbayan box, nasabat sa Port of Corcuera, Romblon

Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) ang ipupuslit sanang iligal na droga sa Port of Corcuera sa Romblon.

Ito ay matapos makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na may nagaganap na kalakalan ng iligal na droga sa motorbanca na “Famaz Doz.”

Ayon sa Coast Guard District Southern Tagalog, dalawang sachet ng shabu na aabot sa ₱82,000 ang halaga ang nakumpiska matapos positibong tukuyin ng K-9 na si Lilian.


Hawak na ng Corcuera Municipal Police Station ang mga nakuhang iligal na droga habang inihahanda na ang mga isasampang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments