Pumalo na sa ₱1.1 billion ang pinasalang idinulot ng Bagyong Egay at habagat sa sektor ng agrikultura sa buong Ilocos Region.
Pangunahing naapektuhan ang Ilocos Norte na nakapagtala ng ₱562 million na pinsala.
Pumangalawa naman ang Ilocos Sur na ₱352-million, pangatlo ang Pangasinan na may ₱173-million, at La Union ka P101-million.
Ayon kay Alternate Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRM) Focal Person Julius Briones, labis ang pinsalang idinulot ng nagdaang bagyo sa mga palayan, gayundin sa maisan at gulayan sa rehiyon.
Tiniyak naman ng Department of Agriculture (DA) na susuportahan nito ang mga magsasaka at mangingisda sa rehiyon.
Magsasagawa ang DA ng early recovery at rehabilitation plan nito, kung saan, mamamahagi ang ahensiya ng mga buto at abono, at veterinary products upang matulungang makabangon ang mga nasalanta ng kalamidad.