Higit ₱1-M halaga ng shabu nakumpiska ng PNP sa magkakasunod na drug buy bust operation

Umaabot sa ₱1.36-M na iligal na droga ang nasabat ng mga awtoridad sa 3 magkakahiwalay na buy-bust operations nitong August 16 at 17.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police BGen. Roderick Augustus Alba, ang unang operasyon ay isinagawa noong Martes sa QC kung saan isang 42-year-old na drug suspect na kinilalang si Fritz Reyes ang nasakote ng Special Drug Enforcement Unit, Police Station 4 ng Quezon City Police District.

Sa nasabing operasyon ₱680,000 halaga ng shabu ang nakumpiska.


Kinabukasan, nasa ₱344,800 halaga ng illegal drugs ang nasabat sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Malasiqui, Pangasinan na naging daan para maaresto ang suspek na si Mark Angelo De Sagun

Samantala, 3 drug suspek din ang naaresto sa Zamboanga City, kung saan nasa ₱340,000 halaga ng illegal drugs ang nakuha ng mga awtoridad.

Sa ngayon inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa mga naarestong suspek.

Facebook Comments