Nakaabang na ang ₱1 million na halaga ng Family Food Packs (FFPs) sa mga istratehikong lugar at mga warehouse sa iba’t ibang rehiyon sa bansa .
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, nakahanda na itong ipamahagi sa mga lugar na maapektuhan ng Super Typhoon Mawar na inaasahang papasok sa teritoryo ng bansa sa Linggo o Lunes.
Inabisuhan na ng kalihim ang kanilang mga regional office sa mga lugar na tumbok ng Super Typhoon Mawar na magsagawa ng round-the-clock monitoring dahil sa inaasahang lakas ng ulan at hangin.
Ngayong taon, mayroong halos isang bilyong pondo ang DSWD para sa quick response fund.
Kalahating bilyon dito ay inilaan para sa family food packs.
Facebook Comments