Higit ₱100-B PhilHealth subsidy sa 2026, pinakamalaki sa kasaysayan ayon sa Palasyo

Itinuring ng Malacanang na pinakamalaking tulong sa universal healthcare sa kasaysayan ng bansa ang nakatakdang ₱113 bilyong subsidiya para sa PhilHealth sa 2026.

Mula ito sa ₱53.13 bilyong orihinal na panukala, kasama ang ₱60 bilyong pinababalik ng Korte Suprema na hindi nagamit at ibinalik sa National Treasury.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, layon ng pondo na direktang suportahan ang healthcare needs ng mga pamilyang indigent, senior citizens, persons with disabilities, at iba pang vulnerable sectors, para mas marami ang makakuha ng PhilHealth benefits nang walang dagdag-gastos.

Tiniyak ni Recto na magiging mabilis at transparent ang Department of Budget and Management (DBM) sa paglalabas ng pondo para agad mapalawak ang mga benepisyo at mabawasan ang gastusin ng mga Pilipino.

Malaking bahagi ng subsidiya ay manggagaling sa sin tax revenues, ang buwis mula sa alcohol at tobacco products na ibinabalik ng pamahalaan para sa serbisyong pangkalusugan.

Facebook Comments