Inilunsad ng pamahalaan ang Agripuhunan at Pantawid Program sa Guimba, Nueva Ecija.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang bawat benipersaryong mga magsasaka ay makakatanggap ng Interventions Monitoring Card sa ilalim ng nasabing programa.
Dito na nila kukunin ang pambili ng binhi, pataba o fertilizer, pesticides at iba pang pangangailangan.
Target din ng National Food Authority (NFA) na bumili ng 500,000 tonelada o 100 sako ng palay mula sa mga magsasaka.
Ayon sa pangulo, bibilhin ito ng hindi bababa sa ₱21 kada kilo.
Kaya ang kikitain aniya ng mga magsasaka sa isang ektaryang ay aabot sa ₱105,000 na agad na papasok sa kanilang Interventions Monitoring Card.
Facebook Comments