Umaabot na sa mahigit ₱100 milyon ang tulong na naipagkaloob sa mga residenteng naapektuhan ng malakas na lindol sa Northern Luzon.
Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), halos ₱50 milyon dito ay family food packs.
Maliban dito, binigyan din ang mga apektadong residente ng family tent, modular tent, kitchen, family, sleeping at hygiene kits.
Samantala, nasa ₱1.2M namang tulong ang naibigay sa mga nawasak nang tuluyan ang mga tahanan habang umaabot sa ₱16M ang tulong na naipagkaloob sa mga kababayan nating partially damaged ang tahanan.
Nasa ₱1.2M ring tulong pinansyal ang naibigay sa mga sugatan habang ₱140,000 ang ipinagkaloob sa mga may nasawing kamag-anak.
Ang nasabing tulong ay ibinigay sa mga apektado ng lindol sa Region 1, 2 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa ngayon, nasa 119,730 pamilya o 448,990 indibidwal ang kabuuang naapktuhan ng lindol mula sa Region 1, 2 at CAR.