HIGIT ₱125K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA BUGALLON; DALAWANG TULAK, TIMBOG

Nasamsam ng pulisya ang ₱125,800 halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang dalawang street-level drug personalities sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Bugallon.

Ayon sa ulat, umabot sa humigit-kumulang 18.5 gramo ng hinihinalang shabu ang narekober sa operasyon.

Narekober din ang ginamit na buy-bust money at iba’t ibang drug paraphernalia.

Dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Bugallon Police Station para sa wastong dokumentasyon at imbestigasyon.

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga naarestong indibidwal.

Samantala, hinihikayat ng Pangasinan Police Provincial Office ang publiko na patuloy na makipagtulungan at suportahan ang mga awtoridad sa kampanya laban sa iligal na droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments