Mahigit ₱78,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng pulisya mula sa isang construction worker sa buy-bust operation sa Binmaley, Pangasinan noong Martes, Enero 6.
Nahuli umano ang suspek habang aktong nagbebenta ng ilegal na droga kung saan nakumpiska ang kabuuang 11.52 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa higit ₱78,000 ang halaga.
Samantala, timbog naman ang tatlong lalaki matapos ang isang buy-bust operation sa Barangay Pantal, Dagupan City noong madaling araw ng Miyerkules, Enero 7.
Ayon sa tala ng pulisya, tinatayang ₱95,200 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Dagupan City Police Office (DCPO) mula sa mga suspek na isang maglive-in partner at isang lalaki.
Dalawang sachet ng hinihinalang shabu ang kumpiskado ng kapulisan na may tinatayang timbang na 14 gramo at boodle money na ginamit sa transaksyon.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nakapiit sa mga custodial facility sa kanilang mga bayan at pawang mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










