HIGIT ₱1M KITA NG ISANG COURIER SERVICE PROVIDER SA POZORRUBIO, TINANGAY NG MGA SUSPEK NA GUMAPANG SA CANAL

Tinangay ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek ang nasa P1, 027,776 na kita ng isang courier service provider sa Brgy. Rosario, Pozorrubio.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naging entry at exit point ng mga suspek ang open canal na may layong 400 metro mula sa establisyimento.

Mula sa canal, gumapang ang mga suspek hanggang makarating sa establisimyento, bago sapilitang wasakin ang vault na kinalalagyan ng pera.

Sa pakikipag-ugnayan ng IFM News Dagupan sa Pozorrubio Police Station, patuloy pa rin ang malalimang imbestigasyon katuwang ang Forensic Unit mula Urdaneta City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments