Higit ₱2-M halaga ng iligal na droga, nai-turn over na ng BOC-Port of Clark sa PDEA

Umaabot sa ₱2.48-M na halaga ng iligal na droga ang nai-turn over na ng Bureau of Customs-Port of Clark sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang nasabing iligal na droga na dumating sa Port of Clark mula Lagos, Nigeria ay unang idineklara na air filter, fuel filter at oil filter para sa mga sasakyan.

Pero ng sumailalim ito sa physical examination at pagsusuri ng PDEA K-9, dito na nalaman na may shabu pala ang laman ng kargamento.


Nakatago ito sa dalawang car oil filters kung saan nasa 360 gramo ang bigat.

Agad na naglabas si Customs Collector John Simon ng Warrant of Seizure and Detention sa nasabing shipment saka nag-utos ng malalimang imbestigasyon.

Ang pagkakadiskubre sa ilang gramo ng shabu ay bunsod na rin ng malakas na ugnayan ng BOC-Port of Clark at PDEA kaya’t nagpapasalamat si Simon at hindi ito nakalusot.

Facebook Comments