Higit ₱200 milyon na financial assistance para sa mga vulnerable sector, sisimulaan nang ipinamahagi ng Manila LGU

Simula ngayong Disyembre 11, ilalabas na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang kabuuang ₱243.4 milyon na tulong pinansyal para sa mga PWDs, solo parents, at DSWD-listed senior citizens.

Ito ay matapos makumpleto ng Manila LGU ang kanilang mga obligasyon at pagkakautang mula sa nakaraang administrasyon.

Ang mga PWDs na kasalukuyang tumatanggap ng ₱500 kada buwan ay makakatanggap ng kanilang tulong para sa buwan ng Hulyo–Agosto 2025, kung saan halos ₱56 milyon ang inilaan para dito.

Samantala, ang mga solo parent na tumatanggap rin ng ₱500 kada buwan ay makukuha na rin ng buo ang kanilang financial assistance para sa Hulyo–Agosto 2025, na may pondo na mahigit ₱15 milyon.

Ang mga 28,364 DSWD-listed Senior Citizens naman ay makakatanggap na rin ng kanilang allowance, at higit ₱170 milyon ang inihanda para sa kanilang benepisyo.

Ang distribusyon ng mga tulong pinansyal ay gaganapin hanggang Disyembre 13 sa mga sumusunod na lugar: Rosauro Almario Elementary School, Florentino Torres High School, Brgy. 288 Multi-Purpose Hall, Dr. Alejandro Albert Elementary School, San Andres Sports Complex, at Sta. Ana Elementary School.

Facebook Comments