Nasa P3.9 milyun na halaga ng jetski at gamit na motorsiklo ang nasabat ng Bureau of Customs-Port of Manila (BOC-POM) sa South Harbor, Manila.
Sa inilabas na ulat ng BOC, sakay ng isang 40-footer container ang nasabing mga kargamento na kinabibilangan ng 45 units ng mga gamit na motorsiklo, bisikelta, mga bagong rimsl ng gulong, dalawang units ng jetski at mga kagamitang pambahay.
Nabatid na galing ang iligal na kargamento sa bansang Japan na dumating sa South Harbor noong October 3, 2021 kung saan ang consignee nito ay nakapangalan sa Fastside Consumer Goods Trading.
Sinasabing unang idineklara ang mga kargamento bilang mga electric motors, e-bikes, sofa, at cabinet.
Agad na kinumpiska ng Customs ang laman ng kargamento saka ipapatawag ang nabanggit na consignee upang malaman kung paano ito nakalusot at nakarating sa ating bansa.