HIGIT ₱300K HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NASABAT SA BUY-BUST OPERATION SA PANGASINAN

Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Pangasinan Provincial Office (PANGPO) ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱340,000 sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Bonuan-Binloc, Dagupan City.
Arestado sa operasyon ang isang 36-anyos na lalaki na itinuturing na high-value target drug personality.
Bukod sa hinihinalang shabu nakuha rin ang cellphone at buy bust money.
Sa kasalukuyan, ang suspek ay naka kulong sa jail facility ng PDEA Region 1 sa Camp Diego Silang, Carlatan, San Fernando City, La Union, at haharap sa kasong paglabag sa Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments