Timbog ang isang 23-anyos na lalaki sa ikinasang operasyon ng awtoridad noong Martes, Enero 20, 2026, sa San Jacinto, Pangasinan.
Ayon sa ulat, nasamsam mula sa suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 5.6 gramo at ₱38,080 ang halaga.
Bukod dito, narekober din ang ginamit na buy-bust money at isang pitaka mula sa suspek.
Nasa kustodiya ng San Jacinto Municipal Police Station ang suspek na sasampahan ng kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










