Inaaasahang makapag-uuwi ng 100 billion US dollar o katumbas ng ₱5.6 trillion na halaga ng investment deal si Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa kaniyang pagdalo sa trilateral summit sa Washington DC.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, batay ito sa pagtataya na inilatag ng economic managers ng administrasyong Marcos na economic package sa iba’t ibang sektor kabilang ang enerhiya at digital infrastructure.
Mararamdaman aniya ang pamumuhunang ito sa susunod na 5 hanggang 10 taon.
Dagdag pa ni Romualdez na excited ang pangulo sa mga energy company na nagpaplanong mag-supply ng maliliit na nuclear power plants sa Pilipinas.
May nakatakda aniyang pulong si Pangulong Marcos sa mga kumpanyang ito gaya ng Ultra Safe, na isa sa pinakamalalaking contenders sa pagsu-supply ng small modular nuclear power plants.
Bukod sa maritime cooperation, kabilang rin sa pakay ng trilateral summit na mas palakasin ang economic cooperation ng Pilipinas, Amerika, at Japan.