Higit ₱5.9-M halaga ng droga, nasabat sa lungsod ng Pasay

Nasabat ang nasa higit ₱5.9 million na halaga ng droga ng Philippine National Police-Drug enforcement Group (PNP-DEG) sa isinagawang interdiction operations sa DHL Express Warehouse, Andrews Ave., Pasay City.

Ayon sa PNP-PDEG, ang mga iligal na droga ay ipinadala ni Cherry Aguiling na nakatira sa Blk 9 Lot 35 Meadow Park Subd., Molino 4, Bacoor, 4102 Cavite na naka-consign kay Raymond Dulla na taga Bangkal, Makati City at Gordon Wood ng 92 Rusden Rd., Mount Riverview Australia.

Kasama sa mga nakumpiska ay ang mahigit sa 878 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na ₱5,970,400.


Ang mga nakuhang ebidensya ay dinala sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Office para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang iniimbestigahan na ang mga suspek.

Facebook Comments