Inaprubahan na ng World Bank ang $100-million o ₱5.59-billion na pautang sa Mindanao Inclusive Agriculture Development Project o MIADP.
Sa ilalim ng MIADP, makikinabang ang nasa 120,000 magsasaka at mangingisda sa piling lugar sa Mindanao sa mga programang magpapataas ng agricultural productivity, resilience at services habang pinoprotektahan ang likas na yaman sa mga ancestral domains.
Kaya sa pamamagitan nito ay popondohan ang mga infrastructure projects upang tugunan ang mga balakid sa paghahatid ng mga produkto mula sa ancestral domain papunta sa merkado.
Kabilang dito ang pagkumpuni sa mga kalsada at tulay, paglalagay ng agricultural tramline system at pagbuo ng small-scale at solar-powered irrigation system.
Pangangasiwaan naman ng Department of Agriculture ang pagpapatupad ng MIADP.
Ayon sa World Bank, nasa 33.4% ang ambag ng Mindanao sa produksyon ng agrikultura sa Pilipinas habang 39.2% sa Luzon at 27.4% naman sa Visayas.