Nakapagtala ang Department of Agriculture (DA) ng ₱5.28 billion na halaga ng sales sa buong bansa sa ilalim ng ‘Kadiwa ni Ani at Kita’ direct marketing program.
Ayon kay Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes, aabot sa 81,243 metric tons ng agricultural produce na nagkakahalaga ng ₱5.22 billion ang idinala sa National Capital Region (NCR).
Ang Kadiwa activities sa iba pang rehiyon ay nakalikom ng kita na nagkakahalaga ng ₱220.86 million.
Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay nakapagbenta ng 12,042 metric tons ng seafoods na nagkakahalaga ng ₱19.82 million, habang ang Philippine Fisheries Development Authority ay nakapagbenta ng 45 metric tons ng isda na nagkakahalaga ng ₱9.28 million.
Tinatayang nasa 1.5 million households ang napagsilbihan ng Kadiwa Project sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Aabot naman sa 6,704 farmer beneficiaries o agri-fishery cooperatives ang nakilahok sa proyekto.