Higit ₱504-B, nakolekta ng pamahalaan mula sa mga ipinatupad na tax reform programs

Malaki ang ambag sa pagsigla ng ekonomiya ng bansa ng mga tax reform programs na ipinatutupad ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez, dahil sa mga naisabatas na tax reform program ni Pangulong Rodrigo Duterte naihanda nito ang Pilipinas para makipag kumpetensya sa iba pang mga bansa.

Sa katunayan, sinabi ni Dominguez sa ginanap na economic briefing na nanagawang maitaas ng pamahalaan sa ₱504.6B ang kita ng gobyerno sa unang apat na taon ng pagpapatupad ng tax reform programs.


Kabilang aniya sa mga batas sa pagbubuwis na ipinatupad ng gobyerno ang sin tax law, tax amnesty law at train law.

Binigyang diin nito na ang administrasyong Duterte lamang ang nakapagtaas ng tatlong beses sa excise tax sa mga sin products tulad ng sigarilyo, e-cigarettes, vape at alak mula 2017, 2019 at 2020 na siyang pomopondo ngayon sa ibang programa ng pamahalaan.

Facebook Comments