Aabot na sa ₱70.690 milyon na halaga ng ayuda o cash aid ang naipamahagi na ng Navotas City government sa kanilang mga beneficiaries.
Ang halagang ito ay halos kalahati na sa kabuuang ₱197.713 milyon na alokasyon para sa ayuda sa lungsod mula sa national government.
Naitala naman ang 22,169 na mga pamilya sa syudad ang nakatanggap na ng tig-₱1,000 bawat indibidwal o ₱4,000 sa kada household na ayuda.
Katumbas ang bilang na ito ng 70,690 na mga indibidwal o myembro ng pamilya.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na bibilisan pa ang proseso ng pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga residenteng lubos na nangangailangan ngayong nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila.
Facebook Comments